Mga Karapatang Sibil at Konsensya
Maghain ng Reklamo sa Mga Karapatang Sibil at Konsensya
Kung naniniwala ka na nadiskrimina ka ng isang entity na nasasaklawan ng Mga Karapatang Sibil o ng iba pang tao dahil sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, edad, kasarian, o relihiyon mo o ng ibang tao, bilang paglabag sa mga batas sa karapatang sibil sa ilalim ng huridiksyon ng HHS o kung hindi naman ay lumabag sa mga pederal na batas sa konsensya ng provider, puwede kang maghain ng reklamo sa Mga Karapatang Sibil at Konsensya sa OCR. Kasama sa isang entity sa nasasaklawang Mga Karapatang Sibil ang mga programa o aktibidad na nakakatanggap ng pederal na tulong-pinansyal mula sa HHS at posibleng magsama ng mga programa o aktibidad na direktang pinapatakbo ng HHS at mga programa o aktibidad na nakakatanggap ng pederal na tulong mula sa HHS. Para sa mga reklamo na nagsasabi ng diskriminasyon sa kapansanan, posibleng kasama rin sa isang nasasaklawang entity ang mga serbisyo, programa, o aktibidad na pinapatakbo ng isang estado at lokal na pampamahalaang ahensya at mga politikal na subdivision nito. Puwede kang maghain ng reklamo sa Mga Karapatang Sibil at Konsensya para sa iyong sarili o para sa iba. Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng mga potensyal na nasasaklawang entity (kasama ang mga institusyon at tauhan) na dapat sumunod sa mga batas sa pederal na karapatang sibil: - Pang-estado at lokal na pampamahalaang ahensya na responsable para sa pangangasiwa ng pangangalagang pangkalusugan
- Pang-estado at lokal na pampamahalaang tulong sa kita at mga ahensya sa mga serbisyong pantao
- Mga ospital
- Mga Provider ng Medicaid at Medicare
- Mga doktor at iba pang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan sa private practice sa mga pasyenteng tinutulungan ng Medicaid
- Mga family health center
- Mga community mental health center
- Mga alcohol at drug treatment center
- Mga nursing home
- Mga foster care home
- Mga pampubliko at pribadong ahensya sa pag-adopt at foster care
- Mga day care center
- Mga senior citizen center
- Mga programa sa nutrisyon ng Senior at Sanggol
- Anumang entity na itinatag sa ilalim ng Batas sa Abot-Kayang Pangangalaga (Affordable Care Act), kasama ang Mga Pang-estado at Pederal na Exchange sa Insurance sa Kalusugan
- Mga plano o kumpanya sa insurance sa kalusugan
- Mga HMO
- Mga botika
- Mga homeless shelter
- Mga mananaliksik sa kalusugan
|
|
|
|
Pagkapribado ng Impormasyong Pangkalusugan
Maghain ng Reklamo sa Privacy ng Impormasyong Pangkalusugan
Maghain ng Reklamo sa Paglabag sa Panuntunan sa Seguridad
Kung naniniwala ka na ang isang entity o negosyong nauugnay na nasasaklawan ng HIPAA ay lumabag sa Pagkapribado, Seguridad, o Mga Panuntunan sa Abiso sa Paglabag (ang Mga Panuntunan ng HIPAA), puwede kang maghain ng reklamo sa Pagkapribado at Seguridad ng Impormasyong Pangkalusugan sa OCR. Puwedeng mag-imbestiga ang OCR ng mga reklamo tungkol sa sinasabing paglabag ng Mga Panuntunan ng HIPAA laban sa mga entity na nasasaklawan ng HIPAA at sa kanilang mga business associate. Puwede kang maghain ng reklamo sa Pagkapribado at Seguridad ng Impormasyong Pangkalusugan para sa iyong sarili o para sa ibang tao. Ang mga sumusunod ay mga entity na nasasaklawan ng HIPAA na dapat makatupad sa mga kinakailangan ng Mga Pederal na Panuntunan sa Abiso sa Pagkapribado, Seguridad, at Paglabag: - Mga Planong Pangkalusugan
- Mga clearinghouse sa pangangalangang pangkalusugan
- Mga provider sa pangangalagang pangkalusugan na nagsasagawa ng bahagi ng kanilang negosyo sa electronic na paraan gamit ang isang transaksyong nasasaklawan ng HIPAA
Ang isang business associate ng HIPAA ay isang tao o entity na gumagawa, tumatanggap, nagpapanatili, o nagpapadala ng pinoprotektahang impormasyong pangkalusugan sa ngalan ng isang nasasaklawang entity para sa isang nasasaklawang gawain, o nagbibigay ng mga partikular na serbisyo sa o para sa nasabing nasasaklawang entity, kung saan kasama sa pagbibigay ng mga serbisyo ang pagbubunyag ng pinoprotektahang impormasyong pangkalusugan. Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng mga potensyal na business associate ng HIPAA: - Iba pang nasasaklawang entity
- Mga law firm o abogado na kumakatawan sa mga entity sa nasasaklawan ng HIPAA
- Mga serbisyo sa pag-shred/pagtatapon ng secure na dokumento
- Serbisyo sa cloud, server, at iba pang serbisyo sa IT
- Mga provider ng serbisyo ng interpreter o translation.
|